Suzuki, astig sa sports

HINDI lang motorsiklong maporma, ‘pang sports pa!

Mula sa 33 football teams, 10 koponan na lamang ang natirang matibay matapos ang eliminations nitong mga nakaraang buwan para sa 2012 PFF U23 Suzuki Cup. Tatlong (3) koponan mula sa Luzon at tig-apat (4) naman mula Mindanao at Visayas ang magtatagisan ng galing para sa kampeonato sa susunod na taon.

Pamula Pebrero hanggang Mayo nitong taon mainit ang naging bakbakan sa football field ng mga manlalaro.
Para sa Luzon cluster, nanatili ng matatag ang mga koponan mula sa Masbate, Laguna at Baguio-Benguet, at para naman sa Mindanao naman ay ang mga koponan mula sa North Cotabato, Iligan-Lanao del Norte, Davao and Zamboanga del Norte—Dipolog. Samantala, ang mga qualifier naman para sa Visayas region ay mga koponan mula sa Negros Occidental, Iloilo, at Cebu.

Samantala, kamakailan lamang ay pormal nang ginanap ang ‘draw’ para maglalaban-laban na koponan para sa AFF Suzuki Cup 2012. Makakalaban ng Philippine Azkals ang 2011 AFF Cup defending champ na Thailand War Elephants at ang Team Vietnam. Pasok na agad sa knock-out/semifinals round ang Azkals dahil sa kanilang semifinal finish noong nakaraang taon.

Gaya ng nakagawian, ang anim (6) na ASEAN countries ang awtomatikong pasok sa kompetisyon (Thailand, Malaysia, Indonesia, Philippines, Vietnam, at Singapore) habang ang mga bansang Cambodia, Brunei, Myanmar, Laos at Timor Leste ay maglalaro pa sa qualifying rounds para sa kukompleto sa top 8 teams.

Ang mga paligsahang ito, ang sa PFF (Philippine Football Federation) at ang sa AFF (ASEAN Football Federation), ay kapwa suportado ng Suzuki. Ang PFF U23 Suzuki Cup ay ang local counterpart ng AFF, at nagsisilbing talent pool para sa mga kukuning manlalarong national team. Noong nakaraang taon, tatlong manlalaro mula sa PFF Suzuki Cup ang nakuha upang maglaro sa SEA Games; sina Joshua Beloya, Neckson Leonora, at Gerardo Valmayor III.

Ito ang schedule ng laban ng Team Philippines sa 2012 AFF Suzuki Cup:

November 24 – Thailand vs. Philippines
November 27 – Vietnam vs. Philippines
November 30 – Philippines vs. qualifying winner (Laos, Vietnam, Cambodia, Myanmar, o Timor Leste)

Samantala, ang final round naman ng 2012 PFF U23 Suzuki Cup ay gaganapin sa pagitan ng mga buwan ng February at May 2013.

Ang Suzuki ay isang Japanese manufacturer ng mga abot-kayang sasakyan, lalo na ng mga motorsiklo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply