Swedish dinampot ng Bureau of Immigration

ISANG Swedish national ang dinakip ng mga operatiba ng Bureau of Immigration dahil sa pagtatrabaho sa bansa nang walang kaukulang permit.

Ayon kay Atty. Ma. Antonette Mangrobang, tagapagsalita ng BI at acting intelligence chief,  si Bjorn Karlson ay isa lang sa pakay ng mission order ng Intelligence Division ng BI, sa layuning maaresto at maipa-deport ang overstaying at undocumented aliens sa bansa.

Dinakip si Karlson sa aktong nagtuturo ng martial arts kamakailan sa ABC Building, na nasa San Juan City.

Bigong magprisinta ni Karlson ng work permit sa kabila ng pagtatrabaho niya na tourist visa lang ang hawak.

Ang pagdakip kay Karlson ay sa harap na rin ng isinasagawang nationwide audit o census ng BI sa mga dayuhan na naninirahan sa buong bansa.

Noong nakalipas na Hulyo 5, pitong illegal aliens din ang natimbog ng BI intelligence agents sa inilunsad  na  census at verification status ng  BI sa Clark Field, Angeles City.

Nagbabala naman si Immigration Commissioner Ricardo David Jr. sa iba pang dayuha na i-update ang status ng kanilang pamamalagi sa bansa at kaukulang visa.

Nakapiit na sa BI-Bicutan detention center si Karlson kung saan nakapiit din ang pito na kinabibilangan ng isang Yong Yeal Yu, isang Marshall Island national, na may kasong large scale estafa at overstaying na sa bansa at nakapuga sa BI Jail sa Bicutan noong taong 2002.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply