Swindler, pinakain ng fake land title ni Duterte

PINAG-ALMUSAL ni Davao Vice Mayor Rodrigo Duterte ng isa sa mga pekeng land title documents ang isang swindler na natiklo nitong nakaraang Lunes dahil sa panloloko sa mga residente ng naturang lunsod.

Kaninang dakong alas 5:30 ng madaling araw (Hunyo 10), binisita ni Vice Mayor Duterte ang detention facility na pinagkukulungan ng suspect na si Manolito Gavas at sapilitang ipinakain dito ang isa sa mga dokumento.

Si Duterte, na tatay ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, at dating local chief executive ng naturang lunsod at kilala sa kanyang nonsense attitude laban sa mga kriminal.

Ayon sa ulat ng pulisya, nadakip si Gavas nitong nakaraang Lunes matapos kumbinsihin ang mga residnetr ng lunsod na maari silang makaagmay-ari ng lupa sa lunsod.

Karamihan sa biktima ni Gavas ay nagbayad ng P250 bawat buwan para sa sinasabing land title, ayon pa sa ulat.

Ayon pa sa ulat, kahit si Mayor Duterte-Carpio ay nagalit din nang malaman ang modus operandi ni Gavas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply