Syndicated estafa isinampa vs Pangilinan at Ayalas

DAHIL sa ilegal na pangongolekta ng P6 bilyon sa cosumers, isang consumer group ang nagsampa ng kasong syndicated estafa sa Quezon City Prosecutors Office laban sa mga business tycoons na sina Manuel V. Pangilinan, Jaime Zobel De Ayala at kapatid na si Fernando, pawang may-ari ng Maynilad Water Services Inc. (MWSI) at Manila Water Company (MWC).

Maliban kina Pangilinan at mga Ayala, kabilang din sa mga kinasuhan ay ang matataas na opisyal ng MWSI na sina President Victorino Vargas; Vice Chairman Isidro Consunji; at mga director na sina Jose M. K. Lim, Jorge Consuji, Herbet Consuji, Randolf Estrellado, Augusto Palisoc at Lourdes Marivic Punzalan Espiritu.

Habang ang mga opisyal naman MWC na kasama rin sa mga kinasuhan ay sina Gerardo Ablaza, president; at mga director na sina Delfin Lazaro, Keiichi Asai, John Eric Francia, Simon Gardiner, Ricardo Nicanor Jacinto at Virgilio Rivera Jr. Si Fernando Zobel de Ayala at kanyang kapatid na si Jaime Augusto ay chairman at vice chairman ng MWC.

Kinasuhan din ng parehong demanda si Loida Dino, hepe ng Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Affairs and Development.

Ayon kay Rodolfo Javellana Jr., pangulo ng grupong Water For All Refund Movement (WARM) at water consumer na si Gloria L. Dalida, ang reklamo ay isinampa nitong June 18, 2012 sa nasabing korte ay nag-ugat matapos balewalain umano ng mga idinemanda ang kanilang hinaing na maibalik ang may P6 bilyong kinolekta ng dalawang water concessionaires sa kanilang customers para tustusan ang P45.3 billion Laiban Dam Project at ang 15 cm Angat Dam Reliability o Angat Dam Irrigation Replacement Project na nagkakahalaga naman ng P5.4 billion.

Nabatid na ang implementasyon ng mga naturang proyekto ay kinansela na ng mga nasabing kompanya.

Sinabi rin ni mga complainant na ang imbestigasyon at expose na ginawa ni Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera Dy ang nagtulak sa kanilang humingi ng refund sa mga naturang kompanya.

Pinangunahan ni Dy ang demand refund, kabilang na ang paghiling sa Commission on Audit at Department of Justice na imbestigahan ang naturang anomalya.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply