Taas presyo sa petrolyo inanunsiyo ng DoE

NAGPALABAS ng anunsiyo ang Department of Energy (DOE) hinggil sa posibleng pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo na magsisilbing panibagong dagok sa publiko at motorista.

Nabatid kay DoE Oil Industry Management Bureau Director Zenaida Monsada, ang patuloy na kaguluhan sa Syria at Iran ang naging dahilan upang sumirit na muli pataas ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Posible aniyang pumalo sa P1.30 kada litro ang presyo ng gasolina habang P0.50 sentimos naman sa kada litro ng diesel.

Dahil dito, inaasahan ang posibleng pagbuhay ng grupo ng pampublikong transportasyon sa kanilang petisyon na dagdag pasahe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa halip na magbawas ng pasahe.

Magugunita na noong nakaraang linggo ay nagpataw ng dagdag presyo ang mga kompanya ng langis sa produktong petrolyo matapos ang sunod-sunod na price rollback na kanilang ipinatupad makaraang sumadsad ang halaga ng langis sa international na merkado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply