Taas-singil sa Meralco simula ngayong buwan

AGAD na sisimulan ngayong buwan ng  Manila Electric Company (Meralco) ang P0.32 kada kilowatt hour na pagtaas sa generation charge.

Bukod dito, ipatutupad din ng Meralco ang P0.03 kada kilowatt hour na dagdag-singil.

Ibig sabihin, may dagdag na P32.32 sa generation charge component sa mga kumokonsumo ng 101 kilowatthours; P64.00 sa 200 kilowatt hours; P96.00 sa 300 kilowatthours; P128.00 sa 400 kilowatt hours at P160.00 sa 500 kilowatt hours.

Bukod sa dagdag-singil ngayong buwan, inihayag din ng Department of Energy na may pagtataas pa sa singil sa kuryente sa Agosto para naman sa pag-shutdown ng Malampaya simula sa Hulyo 13 hanggang 21.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply