Taekwondo jins mula Capiz humakot ng ginto sa SoKor

ANIM na gintong medalya ang iniuwi sa Capiz ng taekwondo jins makaraang sumabak sa 6th World Taekwondo Culture Expo sa Jeollabuk-do, South Korea noong Hulyo 6-11, 2012.

Nakuha ng koponan mula sa Capiz ang anim na ginto, tatlong silver at dalawang bronze medals sa pagsabak sa mga kategoryang pomsae at kyorugi (sparring) ng larong taekwondo.

Ang mga atleta ay sina Raymond Ken Astronomia at Van Joseph Astronomia ng Capiz National High School, Zarry Gray Aguirre at John Michael Asturias ng Filamer Christian University High School department at ang playing coach na si Joven Venancio.

Sa kabuuan, humakot ng 21 gold, 16 silver at 21 bronze medals ang mga Pinoy sa naturang bansa na kinabibilangan ng 40 iba pang delegado.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply