Tagapagligtas ng mga local hog raiser ang BOC

HINDI nalulugi bagkus ay namumutiktik pa rin ang mga hog raising industry sa a-ting bansa.

Pinatunayan ito mismo ng Department of Agriculture at taliwas sa mga ipinakakalat ng mga local hog raiser na bagsak daw ang kanilang mga negosyo dahil sa umano’y patuloy na pag-importa ng mga karne sa Pilipinas.

Ayon kay DA Asec. Davino Catbagan, hindi naman daw naapektuhan ng importasyon ng mga karne ang local pork meat market pagkat ang pinapayagan lamang daw na i-import sa bansa ay yaong mga taba at balat ng baboy na siyang ginagamit na ingredients sa mga nabibili nating processed products.

Ipinatutupad ng Bureau of Customs ang proposed measure ng DA na gamiting refe-rence value ang 1.97 US$ per kilo sa pagdetermina ng duties o buwis sa meat importation.

Ito ‘yung nais ng local hog raisers.

Kung ang dumaraan sa tamang pagsingil ng buwis, nagkakaroon sila ng magandang kompetensiya laban sa imported  meat products.

E kasi naman kung nakaliligtas sa paniningil sa ta-mang buwis ang mga imported meat, sa mababang halaga lang ito naibebenta sa mga pamilihan.

Aangal nga talaga ang mga nasa local pork market.

Kaya abot ang pasasalamat ng DA kay Comm. Ruffy Biazon dahil sa ginawa nito ay malaking tulong sa hog rasing industry at pati sa mga magbababoy sa mga paleng-ke.

Bukod pa rito ay lalong pinalakas ni Biazon ang revenue collection, ang pagbabantay sa mga pantalan at sa trade facilitation ng mga kawani ng Aduana.

Gaya ng mga Customs agency sa ASEAN neighbors, naniniwala si Biazon na dapat mas bigyang diin ang  pagtiyak sa trade faci-litation, border protection at revenue collection sa pamamagitan ng mas modernong paraan.

# # #

Anoman ang reklamo mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email  juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply