Tagum City riders sa Davao, inulan ng papremyo

IKA nga ng iba, the 2nd time’s a charm. Iyan ang nangyari sa round 2 ng Davao leg ng 2012 Shell Advance Underbone Kings challenge.  Matapos ang unang round noong July 5, maraming Davaoeño riders na naman ang pinasaya ng RACE Motorsports Club at Shell sa kanilang mga pacontest at papremyo noong July 8.

Nanguna sa time trials ang rider na si Rogelio Cojetea  sa naitala niyang 125.53 seconds habang si Keanu Marante naman ay nakapagtala ng 126.63 seconds. Pasok sa ikatlong pwesto si Arvin Bangco na nagtala ng 128.78 seconds; ang mga nagwagi sa time trial competition ang siyang mga nakatanggap ng mas malalaking cash prize. Si Cojetea ay tumanggap ng P5,000, si Marante naman ay P2,000 at si Bangco ay tumanggap ng P1,000.

Nagkataluhan naman sa porma ng motor ang ilang riders pagdating sa Best Dressed competition. Para sa Stock category, si Gregorio Gabutero ang naguwi ng 1st prize na P2,000 habang naka-quota namang muli si Keanu Marante sa mga papremyo sapagkat inuwi niya ang 2nd prize na P1,000. Kinumpleto ni Alvin Bagan ang Best Dressed-Stock category top 3 at nag-uwi siya ng P500.

Isang Marante na naman ang nagwagi pagdating sa Best Dressed-Stock category; ang rider number  275 na si Ted Marante ang nag uwi ng 1st place cash prize sa nasabing kategorya. Hindi rin naman nagpatalo sa porma ang motor ni Rey Sapunez (2nd) at ang kay Alvin Bagan.

Umabot sa P17,000 ang naipamigay na cash prize ng Shell noong araw na iyon. Namigay rin ang RACE Motorsports Club ng mga libreng jacket, bag,sombrero, keychain atbp.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply