Tagumpay ng Cha-Cha nasa kamay ni PNoy – Joker

KUNG dati, mahigpit niyang tinutulan ang pagaamyenda sa Saligang Batas, ngayon suportado na ni Senador Joker Arroyo ang Charter change na isinusulong ni Senate President Juan Ponce Enrile upang palitan ang mga probisyon na hindi napapanahon.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Arroyo na napapanahon ngayon ang pag-aamyenda sa Saligang Batas dahil marami nang probisyon dito upang matugunan ang problema ng bansa partikular ang usapin ng istruktura.

“The 1987 Constitution is 25 years in existence, It is about time to amend it, or modify some provisions that are outmoded.  We should have a Constitution to meet the problems of our country particularly the structure,” ayon kay Arroyo.

Ngunit, sinabi ni Arroyo na mawawalan nang saysay ang pagkilos kundi suportado ni Pangulong Benigno Aquino na amyendahan ang 1987 Constitution.

“Johnny (Senate President Juan Ponce Enrile) and Sonny (House Speaker Feliciano Belmonte) mag-memeeting, kung kasama si Presidente Aquino, iyon ang mangyayari. Pero kung hindi kasama si Presidente, walang mangyayari.

Tinutulan na nga nya dati, hindi naman niya priority,” paliwanag ni Arroyo.

“If the President insists to open it, siyempre matutuloy iyon but ang nangyayari naman ngayon,  both Houses of Congress are under his thumb, very popular si PNoy, bakit kailangan pang amyendahan, di nga priority,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Arroyo na dapat magsagawa ng malawakang pag-aaral ang Kongreso sa pag-aamyenda sa Saligang Batas upang matukoy kung anong probisyon ang dapat palitan upang mahawan ang landas sa probisyon na papalitan.

“We should have a study and identify provisions to be amended. Kasi hindi natin alam kung alin ang dapat amendahan. Kahit noon, i opposed the people’s initiatives, kasi hindi alam kung ano ang babaguhin.They always barking on the 60-40 prohibitions on foreign investments during the time of former President Fidel Ramos and Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, but no foreign investment is coming,” aniya.

“Ano ang klaseng amendments, di naman masabi kaya ano ang susuportahan ni PNoy. Anong portion of the Constitution na aamyendahan natin, pero wala naman silang sinasabi,”  paliwanag pa ni Arroyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply