Talk show ni Sharon sa TV5 tuloy!

PORKE may nag-post lang sa isang website na titigbakin na raw sa ere ang talk show ng aming nanay-nanayan sa showbiz na si Sharon Cuneta na Sharon, Kasama Mo Kapatid na umeere tuwing hapon sa TV5, pinatulan na rin ito ng ilang kapwa reporters without confirming kung totoo nga ba ‘yung ikinakalat ng mga taong nagpo-post sa nasabing website.

‘Yung isang tao sa website na ito na matagal ng may inggit kay ‘Nay Sharon ang post nang post ng kung ano-ano at madalas ay bina-blind item pa nito ang megastar. Pwes! ikaw na bayotang hunghang ka, hindi ka magtatagumpay sa mga paninira mo kay Sharon dahil kahit na ano pang gawin mong pagbagsak sa kanya, mananatili siyang nakatayo. Ang laki-laki na ng pangalan ni Mega sa showbiz at matagal niya itong pinaghirapan, sa palagay mo dahil lang sa ‘yong mga paninira ay maaapektuhan siya? Sorry!

Unang-una puro fabricated ang mga ikinakalat mong balita sa website. Ang tanga-tanga mo naman! Kung ‘yung ibang show nga sa TV5 tulad ng Juicy ni Manang Cristy Fermin, na hindi nagri-rate ay hindi pa tinitigbak, tapos ‘yung talk show ni ‘Nay Sharon na may return of investment naman sa istasyon ni Mr. Manny Pangilinan aalisin?

Hayan at nagbigay na ng kanyang statement ang Megastar na tumawag na sa kanya ang kanyang mga boss and so far, happy naman ang mga ito sa outcome at magagandang feedback sa Sharon, Kasama Mo Kapatid. Eto pa, hindi naman babayaran ng bilyones si ‘Nay Shawie ni MVP kung wala silang tiwala sa sikat na TV host singer-actress. Katunayan, may niluluto pang bagong show para kay mega.

Intiendes gyud!

***

Umulan man o bumagyo tuloy ang pamimigay ng grasya sa Juan For All, All For Juan sa Eat Bulaga

YES, pagdating sa pagtulong sa mga Dabarkads na kapos sa buhay, walang pahinga o excuse riyan ang Eat Bulaga, lalung-lalo na sa kanilang daily public service segment na Juan for All, All for Juan Sugod Bahay sa Barangay kasama ang Pambato ng Videoke at pinagkakaguluhan sa bawat barangay na Bayanihan of D Pipol.

Walang patid ang sugod-bahay Gang na kinabibilangan nina Jose, Wally at Paolo. May isang episode nga kaming napanood na talagang basang-basa ng ulan ang tatlo at kinabukasan, isa sa kanila ang nagkasakit pero ayos lang.

Ang importante ay maihatid nila ang sangkatutak na grasya para sa susugurin nilang bahay ng residenteng winner sa araw na ‘yun na nabunot ni Bossing Vic Sotto ang pangalan. At kapag talagang bagyo, hindi na pinapapila ni Bossing ang mga kababayan natin sa Bayanihan of D Pipol kundi bumubunot na lang siya ng pangalan ng mga winners nila ng P10,000 each at pagkatapos, nagbibigay sila ng instructions kung saan puwedeng i-claim ng mga ito ang kanilang premyo.

Number one priority talaga ng Bulaga ang makatulong at secondary na lang ang paghahatid nila ng entertaiment sa kanilang mga Forever Eat Bulaganian’s. Siyempre lagi nilang katuwang sa segment na ito ang kanilang mga sponsor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply