Talo sa holen: Grade 4 inutas ang Grade 1

NAUWI sa kalungkutan ang masaya sanang paglalaro ng holen ng dalawang estudyante matapos pagpapaluin ng bato at pagsasaksakin ng isang 11-anyos na Grade 4 pupil ang kanyang kalarong 8-anyos na Grade 1 pupil sa Sara, Iloilo.

Sa ulat sa radyo, naglalaro ng holen ang biktimang Grade 1 at ang suspek na Grade 4 pupil sa likod ng Ferraris Elementary School sa Brgy. Ferraris sa nasabing bayan.

Dahil natalo sa kanilang laro ay nagalit umano ang suspek at pinagpupukpok at pinagsasaksak ang biktima.

Isang batang babae ang nakasaksi sa pangyayari na siyang humingi ng tulong para mapuntahan at maawat ang dalawang bata.

Unang isinugod sa Sara District Hospital ang biktima na nagtamo ng maraming sugat sa ulo at inilipat naman sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo City matapos i-refer. Sa kasamaang palad hindi na naisalba pa ang biktima.

Hawak na ngayon ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Sara, Iloilo ang Grade 4 pupil na nakuhaan din ng kutsilyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply