Talumpati ni PNoy sa SONA, nakahanda na

MAKARAANG pumasa na sa mahigit pitong burador ay  ilalahad na ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang ikatlong State of the Nation Address bukas.

Ani Presidential spokesman Edwin Lacierda, Sabado na natapos ang speech ni PNoy na kanyang ihahayag sa joint session ng Kongreso ng 4 ng hapon bukas.

Utos naman ni Aquino na huwag ihayag ang nilalaman ng kanyang SONA pero sinabi ni Lacierda na ito ay magiging “truthful and inspiring.”

Magiging “factual” aniya ang SONA ni Aquino at ilalahad ang mga tagumpay na natupad noong nakaraang taon.

Nilinaw naman ni Lacierda na gagamit ng visual aids si Aquino sa kanyang SONA na gagamitan ng wikang Filipino.

Nabatid na umabot ng mahigit pitong burador ang bumuo sa talumpati ng Pangulo.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply