Tamang diet kaya sumeksi’t gumanda

HINDI pa malaman ni Bea Binene kung sino talaga kina Derrick Monasterio at Kristoffer Martin ang makakasama ni -ya bilang love team sa Luna Blanca. Di pa kasi nagkakaroon ng story conference. Pero definitely ay ibang love team naman ang gagawin sa dalawang bidang sina Bea at Barbie sa Luna Blanca.

000

OKAY lang pala kay Shalani Soledad Romulo kung biru-biruin siya ni Joey de Leon sa bago nilang programang Game & Go. Nasanay na raw kasi siya sa panahong co-host siya ni Willie Revillame.

Dahil sa nasimulan na ni Shalani ang hosting sa show ni Willie na Wil Time Big Time, hinahanap-hanap na rin daw niya ang ganitong trabaho. Kaya nang iaalok sa kanya ng TV5 ang Game & Go, hindi na siya nagdalawang isip pa.

Sa Game & Go, si Shalani ay di lang naghu-host, sumasabak na rin siya sa dancing. Kasama niya last week sa pro -duction number sina Gelli de Belen at Arnell Ignacio.

Saka halatang nasasanay na siya sa pagsasayaw at gumagaling na siya.

Pero naiinip na rin siyang magka-baby sila ni Congressman Romulo. At any rate, naniniwala siya na pagpapalain pa rin silang magka-baby.

Mapanonood ang Game & Go tuwing Sunday noon sa TV5.

000

MASINOP pala sa buhay ang bidang actor sa Valiente na si JC de Vera dahil sa malaking talent fees na natatanggap niya buhat nang lumipat sa TV5 ay nakapagpundar na siya ng sariling negosyo.

Pinasok na ni JC ang restaurant business na may kasama siyang partner. Bukod pa rito ay may sarili na rin si yang condo ngayon. ‘Yun nga lang, mas gusto pa rin niyang tumira sa kanyang parents.

Sa TV5, hindi siya nawawalan ng projects. Bukod sa soap operang Valiente, madalas rin siyang mag-guest sa iba’t ibang programa rito.

Wala na raw mahihiling si JC sa network at kung papipirmahin pa siya ng another 3 years, hindi siya mag-aatubiling pumirma muli.

Tapos na ngayong Friday ang Valiente. Maraming revelations ang mapapanood sa soap. Abangan dito ang mga pangyayaring kung sino talaga ang magsu-survive na characters dahil sa sunud-sunod na trahedya ang magaganap sa pinakamaganda at pinakamahabang soap ng TV5 na idinirek ni Joel Lamangan.

000

TAMANG diet lang ang ginawa ni Julie Anne San Jose kaya seksi na ngayon ang dalaga kapag lumalabas sa Together Forever. Basta ginawa niya ang control sa pagkain. Tamang pagkain at walang junk foods.

Samantala, masaya ang mag-love team na Elmo Magalona at Julie Anne dahil no. 1 na ang kanilang Together Forever sa ratings game tuwing Sunday afternoon pagkatapos ng Party Pilipinas.

Ang buong cast at production team na pinangungunahan nina Elmo at Julie Anne ay masayang-masaya sa success ng kanilang bagong show.

Ayon kay Elmo, hindi siya makapaniwala sa natatanggap na positive feedbacks at over-all reception ng mga manonood. Amazed and contented sa pagtanggap ng mga viewers at fans sa Together Forever. Happy ako dahil ang ganda ng feedback na nakukuha namin at makikita nga ito sa ratings ng show,・saad niya.

Si Julie Anne naman ay masaya rin sa success ng kanilang unang series, masaya po ako dahil sinuportahan kami ng mga tao, at mas lalo pang masaya dahil mataas ang ratings noong pilot episode.

Last week, alam na ng Trinidad siblings na sina Jasmine (Janine Gutierrez), Ely (Elmo), at Raz (Renz Valerio) ang tunay na pagkatao ni Angelo (Enzo Pineda). Na ito ay anak ng kanilang yumaong ama sa unang karelasyon. Hindi tanggap ni Ely ang bagong salta sa buhay nilang magkakapatid, pero wala naman itong mapagsabihan ng kanyang problema lalo pa’t iniiwasan siya ng best friend niyang si Toyang (Julie Anne San Jose).

Pero sa tulong ni Jepoy (Sef Cadayona) magagawang makausap ni Ely ang best friend para alamin kung ano ang issue nila. Samantala, sunud-sunod na mga problema naman ang darating sa buhay ni Jasmine. Nandyan na ang paglapit ni  Angelo sa kanya; paghiling ni Aurora na lumaban siya ulit sa school pageant; at sinabayan pa ni Ben (Be nedict Campos), ang kanyang boyfriend, na nagrereklamo na kulang ang oras na binibigay sa kanya.

Magkakaayos pa kaya ang mag-parekoy na sina Ely at Toyang? Paano haharapin ng magkakapatid ang bagong salta sa buhay nila?

Alamin sa Together Forever tuwing Linggo, pagkatapos ng Party Pilipinas sa GMA.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply