Tamang pag-aalaga ng hayop ituturo sa Marikina

PARA sa mas ligtas na komunidad, ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa pamamagitan ng pamunuan ng Barangay Fortune, katuwang ang City Veterinary Office (CVO), City Health Office (CHO), at Marikina Settlements Office (MSO) ay magsasagawa ng orientation at lecture para sa mga may-ari ng alagang hayop sa ika-13 ng Hulyo, simula ika-9 ng umaga sa Skills Enhancement and Education Development (S.E.E.D.) Center ng naturang barangay.

Layunin ng aktibidad na ito na ipaunawa sa mga may-ari ang kanilang mga responsibilidad bilang tagapag-alaga ng hayop, at maging ang mga batas at ordinansang sumasaklaw dito.

Layon din nito na hikayatin ang mga may-ari ng hayop na tumalima sa mga nasabing batas at ordinansa upang maiwasan ang anumang kapahamakan at asunto.

Ang oryentasyon ay inaasahang dadaluhan ng may 100 mga residente mula sa Santan Street, Zone 3 na nag-aalaga ng hayop.

“Bukod sa kasiyahang dulot ng alagang hayop sa atin, ang mga ito ay malaking tulong din sa seguridad ng ating bahay at mga ari-arian. Ngunit sa kabila nito, hindi natin maiaalis na minsan sila ay makakagat ng mga tao at ito ang ating iniiwasan,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Samantala, upang lalo namang isulong pa ang responsableng pag-aalaga ng mga hayop, ang City Veterinary Office ay magsasagawa ng malawakang pet registration sa buwan ng Agosto

at Setyembre sa 15 na barangay ng lungsod.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa tamang pamamaraan ng pag-aalaga ng hayop, mangyaring makipag-ugnayan sa City Veterinary Office sa numero bilang (02) 475-4719.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply