Tams gigilitan ang Falcons

SOLO sa unahan ang Far Eastern University Tamaraws matapos suwagin ang dalawa sa malalakas na teams sa nagaganap na 75th UAAP men’s seniors basketball tournament.

Dumaan sa butas ng karayom ang last year’s runnerup Tamaraws ng talunin nito ang University of Sto. Tomas, 73-72 sa opener at De La Salle Green Archers, 48-46.

Hawak ng Tams ang 2-0 win-loss slate at nakatakda nilang kilatisin ang taas ng lipad ng Adamson U Falcons bukas ng alas 4 ng hapon sa Araneta Coliseum.

Si sophomore Mike Tolomia ang bumida sa huling panalo ng Tams matapos isalpak ang winning basket sa huling 47.6 segundo ng laban.

Hindi gaanong nakapagbigay ng puntos laban sa Green Archers ang pambato ng FEU na si RR Garcia subalit malaki ang tiwala ng coaching staff na babawi ito sa laban nila kontra Falcons.

Hindi nakaporma ang Falcons sa taas ng lipad ng defending champion Ateneo Blue Eagles sa kanilang unang laro kaya kailangan nilang manalo upang makasama ang Adamson sa win column.

Samantala, sa unang sultada, maghaharap ang National University Bulldogs at University of the Philippines Fighting Maroons.

May 1-1 panalo-talo karta ang Bulldogs habang 0-1 ang Fighting Maroons.

Magkasalo naman sa second to third spot ang Blue Eagles at green Archers bitbit ang 2-1 card.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply