Tañada, umaasang maipapasa ang FOI Bill

PATULOY na umaasa si Deputy House Speaker Lorenzo “Erin” Tañada na maipapasa rin ang Freedom of Information Bill kahit ito ay hindi nabanggit sa ikatlong state of the nation address (SONA) ni Pangulong  Benigno Aquino III kahapon (hulyo 23).

Binigyang diin ni Tañada na nabanggit din naman sa Senado maging ni House Speaker Feliciano “SB” Belmonte, Jr. sa kanyang opening statement ang suporta sa FOI Bill at kailangan na lamang aniya ang political will mula naman sa kampo ng mga mambabaatas mismo.

Sinabi pa ni Tañada na nasa kamay naman talaga ng dalawang kapulungan ang pagpapasa sa nasabing panukalang batas.

Iginiit muli ni Tañada na ang FOI Bill ang siyang susi ng pamahalaan para tuluyang masawata ang korapsyon at mapaunlad pa ang transparency ng gobyerno sa publiko.

Aminado rin si Tañada na ikinalungkot niya ang hindi pagbanggit ni Pangulong Aquino sa kanyang SONA ng sa FOI Bill.

Aniya, maituturing na ito ang pinakamagandang pagkakataon upang ma-endorso ang panukala.

Sa kabilang banda ay umaasa pa rin si Tañnada na sa susunod na SONA ng Pangulo ay mababanggit ito na isa sa kanyang mga accomplishments para sa good governance, paglaban sa korapsyon at transparency ng gobyerno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply