Tanod, inundayan ng saksak, patay

PATAY ang isang 46 anyos na barangay tanod nang pagsasaksakin ng isa umanong  tirador ng mga bakal sa loob ng sementeryo, matapos maaktuhang ginigiba nito ang lumang pader sa labas ng North Cemetery sa Sta.Cruz, Manila.

Isinugod sa Chinese General Hospital ang biktimang si Roman Meneses y Marin, may asawa, barangay tanod ng Brgy. 376 Zone 38, isa din umano itong caretaker sa loob ng North Cemetery na kung saan ito nakatira sa 1st. St., sa North Cemetery sa Sta.Cruz pero hindi na ito umabot ng buhay.

Mabilis naman na tumakas ang suspek na kilala lamang sa alyas “Joey Suso” na taga Leonor Rivera St., sa Sta.Cruz matapos isagawa ang krimen.

Batay sa ulat ni Det. Rodel Benitez kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District- Crime Against Persons Investigation Section, dakong 11:00 ng tanghali nang maganap ang nasabing pananaksak.

Nagpang-abot umano ang suspek at biktima sa loob ng A.M Alfonzo Baterry Center sa 2626 Aurora Boulevard sa Sta.Cruz, Manila.

Bago ang nasabing insidente, naaktuhan umano ni Meneses na ginigiba ng suspek ang lumang pader, sa Leonor Rivera, malapit sa Aurora Boulevard sa Sta.Cruz , para lamang makuha nito ang mga bakal, upang ibenta umano sa junkshop.

Sinita umano ito ng biktima, pero nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo hanggang sa kapwa sila nagsuntukan. Mabilis na pumasok sa loob ng nasabing tindahan ng baterya ang suspek, sinundan umano ito ng biktima, kaya nang makakuha ng matalas ay pinag-uundayan ng saksak si Meneses.

Sa report ng pulisya, kilala umanong magnanakaw ang suspek. Maging sa loob ng sementeryo ay mangungulimbat din  a ng suspek ng mga  puwedeng pagkakakitaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply