Tanod, isa pa tepok sa riding-in-tandem

NASAWI ang isang barangay tanod at kaibigan nito makaraang ratratin ng riding-in-tandem sa Barangay Tabunoc, Talisay, Cebu City kagabi.

Nabatid na nakatambay lamang ang mga biktimang sina Abundio Labitad at kaibigan na si Rommel Camasura nang biglang lapitan ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo.

Pagkalapit ay kaagad na pinagbabaril ang dalawa sa hindi pa malamang dahilan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa naturang pamamaril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply