Tapik sa balikat ni Biazon

SA mga radyo, telebisyon at pahayagan, malimit na naririnig ang pagbatikos sa mga government official na hindi ginagampanan ang trabaho.

Tama lang yan dahil ito’y para magising ang tatamad-tamad na opisyal na naturingang public servant, pero ‘di naman kumikilos para tupdin ang responsibilidad.

Sa ating kolum lang, madalas na ginigising natin ang mga tutulog-tulog na opisyal ng pamahalaan dahil ‘di nila ginagawa ang kanilang sinumpaang trabaho.

Ngunit kung nagtatrabaho naman ang isang opisyal, papuri at panghanga naman ang nilalaman ng ating inilalabas sa Chokepoint.

‘Di ilang beses, kundi napakarami nang bilang ang natitira natin na mga opisyal dahil sa kanilang ginagawang kalokohan sa  opisina.

Pero marami rin namang mga government official na tayong ginawan ng mga magagandang kuwento dahil ginagawa  nila  ang kanilang trabaho.

Si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon ay walang ipinagkaiba sa ibang opisyal ng pamahalaan na minsan ay naging sentro ng ating maanghang na talakayan sa Chokepoint.

Pero sa pagkakataong ito, siya’y ating pupurihin dahil sa magandang ipinakikitang trabaho bilang bossing ng BOC.

Ang pagkakasabat ng kanyang mga tauhan ng milyong halaga ng smuggled rice sa Subic Free Port at pagkakasakote ng million worth ng shabu sa  Ninoy Aquino International airport kamakailan ay patunay na ginagampanan ni Biazon ang ibinigay na responsibilidad sa kanya ni Pangulong Benigno S. Aquino.

Medyo naantig ang damdamin natin sa accomplishment na ito ng kasalukuyang BOC leadership dahil sa kasaysayan, ngayon lamang may nahuhuling malalaking bulto ng smuggled rice at  droga mula sa ibang bansa.

Sa mga opisyal ng gobyerno, marami rin ang nagpahayag ng papuri kay Biazon sa maganda niyang ginagawa bilang hepe ng BOC.

Sana nga ay tuloy-tuloy na ang matikas na pagpapakita at pagkilos ni Biazon at mga tauhan para tuluyan nang mabago ang imahe ng ahensyang ito.

Mula sa numero uno na korap na ahensya ng pamahalaan, kung ito’y mababago ni Biazon, aba’y ito’y ‘legacy’ na kanyang maipagmamalaki.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply