Task force binuo sa pinaslang na Dutch

BUMUO na ngayon ng task force ang Pampanga-PNP para matutukan ang kaso ng pinaslang na Dutch national at NGO-member na si Willem Geertman sa lalawigan ng Pampanga kahapon (Hulyo 3).

Siniguro ng PNP na pag-iigihan nilang malutas ang kaso sa lalong madaling panahon.

Lumalabas sa insiyal na imbestigasyon, pagnanakaw ang motibo ng mga suspek dahil nawawala ang bag na bitbit ng biktima na sinasabing naglalaman ng P1.2 milyon.

Si Geertman ay executive director ng grupong Alay Bayan-Luson Inc. (ABI), isang development organization na sinasabing sangkot sa kontrobersiyal na land issue ng Hacienda Luisita sa lalawigan ng Tarlac.

Batay sa pagsisiyasat, galing ng bangko kahapon ng tanghali ang biktima at pagdating nito sa kanilang tanggapan sa Barangay Telebastagan ay may nag-aabang sa kanya na dalawang armadong lalaking sakay ng motorisklo.

Ayon sa mga nakasaksi, hinarang ng mga suspek ang daraanan ng biktima at nakita rin na tila nagmamakaawa dahil nakaluhod ito sa harap ng mga suspek bago binaril.

Kinondena naman ng grupong Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson (AMGL) ang pagpatay kay Geertman.

“We condemn this latest attack against a peasant advocate in Central Luzon. Geertman is an active supporter of farmers’ struggles against landgrabbing and displacement in the region .. We know that Oplan Bayanihan, a counter-insurgency program of President Noynoy Aquino, is behind the killing of Geertman,” ayon sa kalatas ng grupo.

Napag-alaman na si Geertman ang ikalawang European community worker na napatay sa ilalim ng administrasyon ng Pangulong Benigno Aquino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply