Tatay ni Regine Velasquez inoperahan

SUMAILALIM sa minor surgery ngayong araw si Gerardo ”Mang Gerry” Velasquez, ama ni Asia’s Songbird Regine Velasquez.

”Mang Gerry had a minor surgery today, my mom said he is doing fine.

Salamat sa mga dasal nyo,” inilagay ni Velasquez sa kanyang Twitter.

Nauna rito, nag-aalala ang batikang manganganta sa kondisyon ng katawan ng kanyang tatay at inamin na ito ay unti-unting nawawalan ng lakas.

”Mang Gerry get well soon. My hero is getting old and weak, minsan may mga pagbabagong mahirap tanggapin. Pagaling ka. I love you, Papa,” sambit nito.

Nagposte rin ito ng larawan ng kanyang sarili at ng kanyang tatay at kanyang anak na si Nathaniel na may caption na ”Get well soon, look a like. I love you, lolo.”

Inamin din ni Velasquez na nag-aalala siya para sa kanyag tatay na nagsilbing kanyang music mentor sa pagkanta.

”Still can’t sleep. Trying not to worry, trying to think of happy thoughts only. But it’s hard,” dagdag pa nito sa kanyang Tweeter account.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply