Tax evasion isinampa ng BIR vs 2 negosyante

IPINAGHARAP ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang isang fruit dealer at prepaid cards businessman.

Kinilala ang mga kinasuhan na sina Severino Cruz Robles ng Malolos City, Bulacan at Arceli Bagasbas Duhaylungsod ng Cebu City.

Si Robles ay kinasuhan matapos na mabigo ito na ideklara ang 2007 at 2008 income at value added tax returns ng kanyang negosyong prepaid cards na may halagang P497 milyon.

Dahil dito, hinahabol ngayon ng gobyerno kay Robles ang P537.58 million buwis.

Habang si Duhaylungsod naman ay hindi rin nadeklara ang may P7.1 million kabuuang halaga ng ibinenta nitong prutas at gulay noong 2005.

Nasa P5.6 million naman ang kabuuang tax deficiency ni Duhaylungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply