Taxi sinuwag ng SUV: 2 kritikal

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang taxi driver at pasahero nito nang mabangga ng sport utility vehicle (SUV) na minamaneho ng isang Iranian sa kanto ng Remedios at Agoncillo streets, Ermita, Maynila kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga matinding nasaktan at patuloy na ginagamot sa ospital na sina Romeo Alonzo, driver ng taxi at Irwin Itaralde, pasahero ng una.

Sa ulat, dahil sa lakas ng impact nabangga rin ng Hyundai Tucson na minamaneho ng Iranian na si Shabani Eshan, ang nakaparadang pampasaherong FX sa lugar bago ito nagliyab na na-video-han pa ng mga residente.

Nahirapan ang mga awtoridad na sagipin ag si Itaralde dahil naipit ito ng upuan.

Nabatid na walang lisensya ang banyaga ng sitahin ng mg aawtoridad.

Nahaharap si Eshan sa mga kasong driving without license, reckless imprudence resulting in multiple physical injuries at reckless imprudence resulting in damage to property.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply