Team Suzuki Pilipinas itinaas ang kalibre sa 2012 ARRC round 2

PATULOY ang pagpapakitang-gilas ng baguhang si Dashi Watanabe sa 2012 Petronas Asia Road Racing Championship (ARRC) matapos ang round 2 ng nasabing kumpetisyon na ginanap sa Sentul Circuit sa Indonesia noong June 15-17.

Consistent si Watanabe sa kanyang mga lap record habang nag-eensayo pa lamang. Saunang round ng ensayo, ibinababa niya ang kanyang lap record pamula 1:36:407s sa 1:35:594s.

Naungusan ni Watanabe ang pole time record na itinala ni Teshimaparasa Team Suzuki Pilipinas noong nakaraang taon pagdating ng ikalawang round ng ensayo kung saan ang lap record ng binata ay 1:33:527s.

Bawat segundo, kahit pa kalahating segundo man, ay mahalaga sa mga karerang gaya nito.

Talaga namang Dashingsi Watanabe pagdating ng araw ng mismong karera. Nakapasok si Watanabe sa top 20 spots sa parehong Race 1 at Race 2. May mga pagkakataon pa nga sa Race 2 kung saan pumasok pa sa top 15 ang binata ngunit matindi talaga ang kumpetisyon ngayong taon.
Tinapos ni Watanabe ang Race 1 sa ika-19 na pwesto at ika-18 na pwesto sa Race 2.

Makabuluhan ang Sentul round ng 2012 ARRC para sa Team Suzuki Pilipinas. Maliban sa consistent lap records ni Watanabe at sa pag-break niyang pole time niTeshima kumpara noong 2011, ito ang unang pagkakataon na hindi nag-crash ang sinuman sa mga riders.

Ayon sa General Manager ng Suzuki Philippines na si Ginoong Eiji Kobayashi, maigi raw na madaling nakakapag-adjust si Watanabe bagamat ito’y baguhan pa lamang at lalo na sa siyang first-time rider ng Suzuki GSX-R600. Kaya naman kaabang-abang talaga at subaybayan ang karera ni Watanabe at ng buong Team Suzuki Pilipinas ngayong taon.

Ang ikatlong round ng 2012 Petronas ARRC ay gaganapin sa China sa August 5.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply