Team Suzuki wagi sa Davao

WAGI ang mga Davaoeño Suzuki Riders sa nakaraang RUGP (Regional Underbone Grand Prix)-Davao Grand Prix matapos nilang makakuha ng dalawang (2) championship titles at makapasok sa top 3 spots ng mga category sa RUGP.

Ang Suzuki-Phoenix VMAN Racing team, na pinangungunahan ng rider na si Roland King Ganotise, namamayagpag ang Suzuki team sa RUGP scoreboards ngayong taon. Gamit ang kanyang Suzuki Sydrive, si Ganotise ang itinanghal na kampeon sa 4AT Intermediate Scooter (Open category), habang ang isa pang Skydrive rider na Joven Millana ay kampeon naman sa 160 Novice Scooter category.

Hindi pa nagpaawat si Ganotise at inangkin ang champion title sa 130 intermediate category gamit ang kanyang Suzuki Smash; pasok rin siya sa top 3 (bilang 2nd runner up) sa 130 Immediate Experts (Open category).

Ang Suzuki at Phoenix Petroleum Philippines ay kapwa nagpirmahan na ng MOA (Memorandum of Agreement) bilang partners sa mga darating ng Suzuki-sponsored races (karera o Suzuki team man).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply