Teddy Locsin: Posisyon sa CJ nakareserba sa kaibigan ni PNoy

TINANGGIHAN ng beteranong mamamahayag at dating kongresista na si Teodoro “Teddyboy” Locsin ang kanyang nominasyon bilang susunod na Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

Sinabi ni Locsin sa kanyang column na “free Fire”  sa pahayagang Bussiness Mirror  ngayong araw (july 1) ,ang nasabing posisyon ay nakareserba na sa kaibigan ng Pangulo.

Sinabi ni Locsin na kung tatanggapin niya ang nominasyon, iyon ay taliwas sa kanyang paniniwala na labag sa Saligang Batas ang pagkaka-impeach kay dating Chief Justice Renato Corona.

Nabatid na iminungkahi  sa Judicial and Bar Council si Locsin ng abugado ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos na si Atty. Brigido Dulay.

Si Locsin  ang ika-23 kandidato para sa pagka-Chief Justice na tumanggi sa nominasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply