Testigo sa krimen, nagpakamatay

NAGPATIWAKAL ang isang lalaki sa pamamagitan ng paggilit ng sariling leeg makaraang masiraan ng bait nang makasaksi ng pagpaslang sa isang babae sa  Island Garden City, Samal.

Nakilala ang nagpatiwakal na si  Rolando Francisco, residente ng Island Garcen City of Samal makaraang  tuluyang nasiraan ng bait matapos hindi na makatulog at nawalan ng gana sa pagkain kasunod ng nasaksihang krimen.

Nabatid na may gilit ang leeg ng biktima nang matagpuan sa dalampasigan ng Sitio Benone ng Brgy. San Jose, Island Garden City of Samal.

Ayon sa mga kamag-anak ng biktima, tinangka na noon ng biktima na kitilin ang sariling buhay ngunit napigilan lamang ng ilang kaanak nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply