Testigo sa nakawan pinugutan

UTAS ang isang lalaki nang pugutan ng ulo ng dalawang hindi pa nakilalang suspek sa pagnanakaw ng saging sa Davao del Sur.

Kinilala ang biktima na si Jaime dela Peña, ng Basiawan, Santa Maria, Davao del Sur.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima habang nagtatrabaho sa labas ng kanilang bahay.

Sa imbestigasyon, lumalabas na inabangan ng mga hindi pa nakilalang salarin ang biktima saka pinatay makaraang tumestigo ito nang makitang nagnakaw ang dalawa ng mga saging sa isang plantasyon sa nasabing lalawigan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply