Testigo vs CGMA marami – Comelec

MARAMI pa umanong testigo ang Commission on Elections (Comelec) na nakahandang iharap sa hukuman laban kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa kinakaharap nitong electoral sabotage case.

Ito ang tiniyak ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. kasunod nang pakikipagpulong nito kay Justice Secretary Leila de Lima kung saan pinag-usapan nila ang mga hakbang at planong gagawin matapos payagan ni Pasay Regional Trial Court (RTC) Judge Jesus Mupas si GMA na makapagpiyansa.

Matatandaang si GMA ay nakalaya na nitong Miyerkules matapos na maglagak ng P1 milyong piyansa. Isa umano sa mga napag-usapan nina Brillantes at de Lima ay ang inihaing motion for reconsideration at sakaling hindi ito maaprubahan ay tuloy na sila sa pagdinig sa main case kung saan ang pag-uusapan na ay ang merito ng kaso.

Aminado naman si Brillantes na ang pinakamalakas nilang testigo ay si dating Maguindanao Administrator Norie Unas.

Aniya, kung titingnang mabuti ay hindi pa naman pinabubulaanan ni GMA ang testimonya ni Unas hinggil sa pagbibigay umano nito ng direktiba kay dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. na tiyakin ang panalo ng kanilang mga kandidato sa pagka-senador sa kanilang lugar noong 2007 elections.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply