Texting while driving paparusahan na

ANG aksidente sa EDSA-Ortigas flyover kahapon na ikinasugat ng pitong pasahero ang nagtulak kay Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na muling buhayin ang panukalang parusahan ang sinumang driver na nagte-text habang nagmamaneho.

Nauna nang inihain ni Estrada ang Senate Bill 872 noong 14th Congress, na naglalayong ipagbawal ang paggamit ng mobile phone habang nagmamaneho at magtakda ng parusa upang makamit ang kaligtasang panglangsangan at pagbiyahe.

Natuklasan ni Estrada na gumagamit ng cellphone ang driver ng bus na bumangga sa railings ng flyover nang maganap ang aksidente.  Nabangga rin ng bus ang poste ng MRT-3 na nasa gilid ng flyover.

Sa explanatory note ng panukala, sinabi ni Estrada na layunin niya na maiwasan ang aksidente sanhi ng pagkakamali ng driver tulad ng paggamit ng cellular phone na nagiging sagabal sa pagmamaneho.

“Absence of concentration on the road can be fatal not only to the driver and their passengers, but to other drivers, pedestrian and private properties as well,” ayon kay Estrada.

Ngunit, sinabi ni Estrada na pinayagan naman sa Section 3 ng panukala na gumamit ng mobile phone habang nagmamaneho sa lahat ng uri ng sasakyan kung may ibang hands-free accessories na nakakabit dito.

Hindi naman pinapayagan ng section na ito sa sinuman na gumagamit ng wireless telephone para sa emergency kabilang  ang alagad ng batas, health care provided, fire department at iba pang emergency services entity.

Sinumang lalabag sa panukala ay mapapatawan ng multang P3,000 sa unang paglabag, P5,000 sa ikalawa, at multang hindi hihigit sa P10,000  at pagkakakulong ng hindi lalampas sa isang taon sa ikatlong paglabag at mga susunod pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply