Thank you Dolphy for loving Vandolph – Alma

UMIIYAK na nagpasalamat si Parañaque Councilor and actress Alma Moreno kay Dolphy for loving their son, Vandolph Quizon.

“Nagpapasalamat ako sa kanya sa pag-aalaga niya kay Vandolph. Hindi siya nagbago.

Talagang ganoon pa rin siya. Maraming salamat talaga sa pagmamahal,” ani Alma.

Ani Alma, her fondest memory of Dolphy was their trip to Disneyland with Vandolph.

“Alam niyo naman kung gaano kataba si Vandolph noong bata siya. Hirap na hirap na siya pero binubuhat pa rin niya ‘yung bata.”

“Very close talaga si Dolphy sa mga anak niya. Lagi siya nagpapa-lunch or dinner. Napakabait niyang tao.”

Hangang-hanga rin si Alma sa partner ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla sa pagmamahal niya sa hari ng komedya.

“Bilib talaga ako kay Zsa Zsa dahil hindi niya iniwanan si Dolphy. Wala na namang issue sa amin iyong mga ganoon. Malalaki na ang mga anak namin.”

Samantala, hindi naman naitago ng dating kinakasama ni Dolphy ang kanyang sama ng loob sa tila huli na ang pagkakaloob ng National Artist award kung sakali sa comedy king.

Tahasang sinabi ni Moreno na “useless” nang hirangin pa bilang National Artist si Dolphy ngayong nilagutan na ng hininga.

Bakit aniya hindi ito iginawad sa kanyang dating kinakasama noong nabubuhay pa nang sa ganon ay maramdaman din ng comedy king ang parangal sa kanya.

Matagal nang nagkahiwalay ng landas sina Alma at Dolphy, pero hindi naiwasan ng aktres na magbalik tanaw sa masaya nilang alaala ng comedy icon.

Kinuwento pa ni Alma na kahit sa likod ng camera ay talagang masayahing tao si Dolphy kung saan kahit nagagalit at nasa seryosong usapan ay bigla na lamang ito magpapatawa.

Tiniyak naman ni Alma na bago ihahatid sa huling hantungan si Dolphy ay dadalawin niya ito sa Heritage Park sa Taguig City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply