The PHL doesn’t need the mind of a simpleton!

MAY pelikula na bang hindi minalas si Manny Pacquiao? At pati mga TV shows niya, kinagat na ba ng masa?

Wala pa, hindi po ba?

Meaning, talagang walang appeal si Manny kapag kailangang magbayad pa ang taumbayan para lang mapanood siya.

Bilang boksingero, successful siya. Ipinagbubunyi natin siya bilang Pambansang Kamao and he very well deserves the title.

Pero sa pelikula, no way, hindi talaga siya kinakagat. Kaya sana tigilan na ‘yang ilusyong sa Hollywood siya magkakapangalan.

Ngayon kasi, walang puknat ang mga paid hacks ng boksingero na kesyo ilo-launch na ang kanyang Hollywood movie career. Na kesyo tutulungan siya ng isa pang B actor who is pretending to be an American great.

Magtigilled. Pacquiao is not a star material no matter what. Tama na lang na sabihing isa siyang magaling na boksingero at tapusin na natin diyan pa lang.

As politician, hindi rin naman siya exceptional, hindi po ba? Kahit na ngayong pinipeke niya ang pagiging Evangelist kuno niya, walang dahilan para tangkilikin ang kanyang political career.

Simply put, the Philippines doesn’t need the simple mind of a simpleton like Manny Pacquiao. We are not headed for greatness kung aasahan natin ang pamumulitika niya.

He is better or shall we say, the best, pagdating sa boxing, hanggang diyan na lang siya nararapat!

Magsalita ka, bayang Pilipinas!

***

Mga  komedyanteng  pulpol

Di na naming babanggitin kung saang network at kung sino ang mga tinutukoy naming mga baguhang komedyanteng pulpol. Sapat na yung sasabihin naming di sila nakatatawa, bagkus nakaiinis na kung anik anik na antics ang ginagawa.

Kumbaga, napakatalino naman nila, having had executive positions before, pero ayan at binubugok nila ang sarili nila sa pagkukunwaring sila ay amazing bilang mga komedyante.

Yung lalaki, Diyos ko naman! wala talagang talent sa larangan ng pagpapatawa, at yung babae naman, kinakapital ang pagiging mataba at pangit para maging katawa-tawa siya.

Hitsura sa kanya ng namayapang Dely Atay-Atayan, ginagawang katawa-tawa地g sarili para lang mapagtawanan. Aba, kung tutuusin, higit pang katawa-tawa ang isang baklitang kasama nila sa network. At least, may humor yung mga pinagsasabi nung baklita.

Balak yatang buhayin ng dalawang pulpol na komedyante ang era nina Poleng at kung sino na nga yung ka-tandem niya sa slapstick nilang pagpapatawa?

Sayang naman ang talino ng mga sinasabi naming pupol kasi nga may future sila bilang mga network execs.

Ewan ba naman kung bakit nabigyan sila ng network ng inspirasyon  na maging mga komedyante.

Sa true, hindi sila amazing, kundi mga pulpol lang talaga.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply