Through hell and back

NITONG nakaraang dalawang linggo, halos walang nagawa ang inyong lingkod dahil sa withdrawal symptoms.

Sinimulan ko kasi ang pagboykot sa dating paboritong lason (yosi) isa’t kalahating buwan na ang nakalilipas. Hindi ko inaasahan na daraan ako sa butas ng karayom ng paghihirap dahil dito.

Noong nakaraang Hunyo 27, ito ang isinulat ko sa aking Facebook account: “Darn those withdrawal symptoms!!!! I thank God for snatching me back from hell. ‘Yun lang talaga ang naiisip kong description sa pinagdaanan ko, eh–impiyerno!”

Hindi ako makasusap nang matino dahil sa hirap.

Tuwing itatanong ni Misis kung ano ang ang nararamdaman, hindi ako kumikibo.

Una, wala akong lakas magsalita; mas gusto kong intindihin ang sakit kesa sagot sa tanong.

Pangalawa, hindi ko alam ang isasagot; mahirap kasing ilarawan sa siyentipikong paraan.

Kapag sinabi kong malikot na hangin na nagpapakirot sa katawan ko, may maniniwala kaya? Mas malamang na pagtawanan lang ako, kaya’t mabuti pang sarilinin na lang.

Nakampante lang ako na hindi pala ako nag-iisa nang makausap ko si Jun Almocera ng Philippine Legislators’ Committee on Population and Development Inc. o PLCPD.

Nanggaling rin pala siya sa “impiyerno.”

“Huminto rin ako ng pagsisigarilyo noong nakaraang December,” aniya.  “Ang sakit ng naramdaman ko! Parang hangin na paikot-ikot sa katawan ko.

Madalas, akala ko ay naha-heart attack na ako.”

Swak!

‘Yan ang eksaktong naramdaman ko!

At least, alam ko nang hindi imahinasyon lang ang naramdaman ko.

Irerekomenda ko ba sa iba na huminto na sa paninigarilyo?

Natutukso akong sabihing, “’Wag na lang!”

“Baka kasi lalong madali ang buhay ng mga hindi handa sa pagdaan sa “impiyerno.”

Pero alam kong mas ang tamang gawin ay huminto na sa masamang bisyo, basta humanda na lamang sa hirap na tiyak na darating.

Isipin na hindi ka nag-iisa. Marami nang ibang dumaan d’yan at naka-survive.
Kaya kung kaya, basta desididong kayanin.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply