Tiangge ng mga senior citizen sa QC binaklas

PINABAKLAS na ni Quezon City Mayor Herbert M. Bautista ang “tiangge” stalls sa may bangketa ng Mother Ignacia sa kanto ng Timog Avenue sa tapat ng St. Paul the Apostle church.

Sinabi ni Bautista, ang presensya ng tiangge at vendors ay naging sanhi ng inkombinyente sa mga residente sa lugar lalo na ang mga nagsisimba na nagreklamo laban sa operasyon ng tiangge sa bangketa.

Ikinasa ni Bautista ang direkatiba matapos makatanggap ng reklamo sanhi ng pagkalat ng vendors sa tapat ng nasabing simbahan sa Barangay Paligsahan, Quezon City.

Bilang tugon sa kautusan ni Bautista, inalis kaagad ng barangay officials, Barangay Operations Center (BOC) at ng Market Development and Administration Department (MDAD) ng QC Hall ang tiangge sa naturang bangketa.

Ayon kay Jorge Felipe, pinuno ng BOC, ang pagpapaalis sa “tiangge” stalls sa Mother Ignacia ay isang livelihood project ng Paligsahan Senior Citizens Association, Inc. (PASCA).

Pahayag pa ni Felipe, kahit ang naturang livelihood project ay suportado ng isang  barangay resolution na pinapayagan ang PASCA na gamitin ang bangketa sa Mother Ignacia, pinili ng opisyal ng Barangay Paligsahan na alisin ang paggamit ng open space sanhi ng mga reklamo na kanilang natanggap.

Noong Pebrero 27, 2012, nagpasa ang Sangguniang Barangay ng Barangay Paligsahan ng isang resolusyon na piinapayagan ang kahilingan ng PASCA na magamit ang government property sa tapat ng St. Paul the Apostle Parish bilang livelihood center para makalikom ng pondo ang organisasyon.

Bago ito ipasara, tumatanggap ang naturang asosasyon ng P9,000 bawat isang buwan bilang bayad mula sa mga stall owner na pinayagan na magnegosyo tuwing Sabado at Linngo lamang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply