Tie-up ng Marikina at Ateneo sa Bikeways Program

EXCITING para sa mga biker ang latest developments sa Marikina.

Nagkasundo si Mayor Del R. De Guzman ng Marikina at si Dr. Segundo Romero, Director ng iBoP Asia Program ng Ateneo School of Government (ASG) na magsanib-puwersa para lalo pang paigtingin ang bikeways program ng lungsod.

Si Romero ay dating Asst. Dean for Student Affairs sa U.P. Diliman noong estudyante pa ako doon. Thirty years kami nang hu-ling nagkita. Mula noon, naging kolumnista siya sa Inquirer, Vice President ng Development Acade-my of the Philippines, atbp.

Gusto raw kasi ni Romero na matulungan ang Marikina na manalo sa Sustainable Transport Program Award na nakabase sa Washington. Wala pa kasing nananalo mula sa Southeast Asia.

Bibisita ang mga taga-ASG sa Marikina next week para mag-bike sa aming 60 km. integrated bikeways network.

Pagkatapos ay makikipag-meeting na sina Romero, Dr. Danielle Guillen, Lorenzo Cordova at Dinna Dayao sa mga opisyal ng Marikina Bikeways Office at MIS namin para ipakita nila kung paano gamitin ang seeclick-fix.com software na isang performance metrics at mekanismo para malaman at solusyunan ng city hall ang mga problema na inire-report ng mga mamamayan online.

Ang pangalawang activity ng tambalang ito ay ang study tour sa Guangzhou, China sa July 18-20 para obserbahan ang ginawa nila roon para manalo sa Sustaina-ble Transport Program Award ngayong 2011.

Ang susunod ay ang Smart Mapping na gagawin sa bikeways network na involved ang mga iba-ibang sektor sa komunidad para may wide representation, divergent views at sense of ownership ang proseso.

Magkakaroon din ng “Adopt a Bikelane” pledging session kung saan pipili ang mga kompanya ng mga area sa bikeways network na iisponsoran nila ang pag-rehabilitate ng bikelanes. Malaking gastusin kasi ang pag-aayos ng bikeways kaya kailangan ng tulong ng private sector.

Ang iba pang proyekto na gagawin ay ang Bike Share program, ang extension ng bikelanes sa Eastwood City, connectivity sa bikelanes ng Pasig, connectivity sa bikelanes ng Katipunan Ave. at U.P. Campus, bike tours sa mga tourists attraction ng Marikina gamit ang bikes, car-less days, at marami pang iba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply