Tindahan ng pekeng pera sinalakay ng BSP

ISANG tindahan sa Recto, Maynila ang sinalakay ng mga operatiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at National Bureau of Investigation (NBI) na umano’y nag-iimprenta at nagbebenta ng mga pekeng pera.

Narekober ng mga awtoridad ang nakarolyong envelope na may lamang mga pekeng P1,000 bill.

Nabatid na pagmamay-ari ng isang Aeries Villaruel ang tindahan na nagbebenta ng mga pekeng P1,000 sa halagang P150 ang bawat isa habang ang mga pekeng P500 bill naman ay ibinebenta ng tig-P100.

Dahil dito, nagpaalala ang BSP sa publiko na suriin ang perang tinatanggap upang hindi maloko.

Malalamang orihinal o tunay ang pera kung magaspang ang papel nito dahil gawa ito sa security paper kumpara sa pekeng pera na makinis dahil ordinaryong papel ang gamit.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply