Tindahan nilooban, P50-K beauty products tinangay

TINATAYANG aabot sa halagang P50,000 ang natangay ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek sa isang tinadahan ng beauty products sa Navotas, kaninang madaling araw.

Batay sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang pasukin ng mga suspek ang isang sangay ng Ever Bilena sa M. Naval St., San Jose Navotas.

Kaninang umaga, ipinarating sa may-ari ng tindahan na si Edgar Senerador ang pangyayari at agad na inireport sa pulisya.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply