Tito Dolphy

SI RODOLFO Vera Quizon (Hulyo 25, 1928 – Hulyo 10, 2012) o mas kilala bilang Dolphy ay ang tinaguriang Hari ng Komedya ng Pilipinas dahil sa kanyang kahusayan sa pag-arte at pagpapatawa sa pinilakang tabing at telebisyon.

Si Tito Dolphy, tawag sa kanya ng mga taga-showbiz industry ay lumabas sa pelikula sa produksyon ng ama ni Fernando Poe Jr. na si Fernando Poe na “Dugo ng Bayan.”

Nakilala si Tito Dolphy nang maging contract artist siya ng Sampaguita Pictures at gawin ang una niyang pelikula dito, “Sa Isang Sulyap Mo Tita.”

Ang unang starring role ni Tito Dolphy na Jack & Jill ay pumatok sa takilya. Sa nasabing pelikula ay ginampanan niya ang papel ng isang baklang kapatid ng tomboy na ginanampanan naman ni Lolita Rodriguez.

Isa sa pinakasikat na programa sa telebisyon na nagawa nito Tito Dolphy ay ang “John en Marsha” kung saan nakatambal niya ang mahusay na aktres na si Nida Blanca.

Taong 1974 naman ng hiranging best actor nang isapelikula ang John en Marsha.

Bandang late 80s ay naging kontrobersyal ang buhay ni Tito Dolphy nang makipaghiwalay sa aktres na si Alma Moreno, ina ng anak na si Vandolph, at makipagrelasyon sa singer-actress na si Zsa Zsa Padilla.

Pagkatapos nito ay medyo tumamlay ang karera ni Tito Dolphy.

Ngunit noong 1992, nagbalik sa telebisyon ang Hari ng Komedya at pinasaya ang bawat tahanan sa kanyang hit sitcom na “Home Along Da Riles” kung saan nakatambal niya si Nova Villa. Kasama rin niya sa hit sitcom na ito ang anak na si Vandolph, pamangkin na si Boy 2 Quizon, Smokey Manaloto, Bernardo Bernardo, Sita Astal at Claudine Barretto.

Ilang taon ang itinagal sa ere ng serye na isinapelikula rin.

Noong 2008, nabatid na mayroong chronic obstructive pulmonary disease si Tito Dolphy at buhat nito ay naging madalas na sa pagamutan ang Hari ng Komedya.

Noong magbida si Tito Dolphy sa film fest movie na “Markova” ay kinilala ang kanyang husay hindi lamang sa pagpapatawa kundi maging sa pag-arte. Nakasungkit ng best actor award si Tito Dolphy para sa nasabing pelikula.

Lovelife at mga anak

NAGING makulay din ang buhay pag-ibig ni Dolphy.

Dahil public figure, hindi lingid sa kaaalaman ng publiko ang mga nakarelasyon niya.

Unang nakarelasyon ni Dolphy si Engracia Dominguez kung saan nagkaroon siya ng anim na supling. Naghiwalay sila noong 1963.

Sunod na naugnay kay Tito Dolphy si Gloria Smith na nakilala niya noong 1956. Nagbunga ang kanilang pag-iibigan ng apat na anak.

Sinundan naman ito ni Baby Smith o Pamela Ponti sa mundo ng showbiz. Sila ay nagkaroon ng apat na anak na kabilang ang mga aktor na si Eric at Epi Quizon.

Nagkaroon din ng anak ang Hari ng Komedya kay Evangeline Tugalao.

Nasubaybayan din ang pag-iibigan nina Tito Dolphy at aktres na si Alma Moreno na ang bunga ay ang aktor na si Vandolph.

Si Zsa Zsa Padilla ang huling nakarelasyon ng Hari ng Komedya. Sila ay nagkaroon ng dalawang anak na babae, si Nicole at ang singer na si Zia Quizon.

Sa kabuuan mayroong 18 anak si Dolphy sa anim na babae na kanyang nakarelasyon.

(Sources: TV reports at Wikipedia)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply