Titser sinakal, ibinitin sa puno sa CamNorte

INIIMBESTIGAHAN na ng pulisya ang motibo at may kagagawan sa walang awang pagpatay sa isang guro sa Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Lawrence Totanes, 27,  ng Barangay Manguisoc, Mercedes, guro sa Caringo Elementary School.

Sa impormasyon, nakitang patay na ang biktima habang nakabitin sa puno ng bakawan.

Nang suriin, lumalabas na sinakal muna gamit ang nylon cord ang biktima bago isinabit sa nasabing puno sa Barangay Bagasbas, Daet.

Ayon sa misis ng biktima, nagpaalam sa kanya ang mister na maglalaro lamang ng basketball hanggang sa hindi na umuwi ng kanilang bahay.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply