Tong-collection sa Taft Ave. at EDSA, tumitindi na

LALONG tumitindi ngayon ang banggaan ng mga tauhan ni MMDA Chair Francis Tolentino at ni Pasay City Mayor Antonino Calixto kaugnay sa kaliwa’t kanang ‘tongpats’ mula sa illegal terminal sa Taft Ave. at Edsa  sa Pasay City.

Mantakin ninyo ipinasara ang kalsada sa kahabaan ng Taft Avenue cor EDSA ng MMDA dahil sa sinosolo raw ng Calixto Boys ang tong-collection sa mga illegal terminal ng mga pampasaherong bus at jeep sa kahabaan.

Iba’t iba ang idinadahilan ng MMDA kung bakit nila isinara ang Taft Avenue cor Edsa pero ang totoo ay sadyang isinara ng mga taga-MMDA ang kalsada dahil sa dumiskarte na rin sila ng pangongotong sa mga PUJ, PUB, taxi at  AUV.

Dati ay sinosolo lang ng  mga bata ni Mayor Calixto ang tong-collection  ng illegal terminal ng mga kolorum na pampasaherong bus, jeep, fx at van.

Ang kanto kasi ng Taft Avenue cor Edsa ang ginagawang terminal ng mga kolorum na pampasaherong jeep at bus na kung saan ay dito sila nagsasakay at nagpupuno ng mga pasahero.

Ang balita ay sinosolo lang daw ng Calixto boys ang tongpats sa lugar. Kaya hayun permanente nang isinara ang Taft Avenue at Edsa ng MMDA.

Ano ang akala ng mga Calixto boy, sila lang ang anak ng kotong? Heheh. ‘Di ba, Mark C at Ka Mot?

TONG-COLLECTION SA PCP JUAN LUNA

Grabe ang tong-collection na ginagawa ng mga pulis na nakasasakop sa PCP-Juan Luna ni Maj. Pangan.

Mantakin n’yo, ultimo pailaw at pa-5/6 ay hawak na ng mga ito.

Halos hindi na  nagtatrabaho ang bata ni Maj. Pangan na si Pio San Jose dahil ang inaatupag na lang ay ang tong-collection.

Anoman ang reklamo mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@ yahoo. com.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply