Top 20 sa World Chess pakay ng NCFP

PAGPAPATULOY ng programa at mas maraming grassroots na aktibidades ang hinayag ni re-elected National Chess Federation of the Philippines, (NCFP) President/Chairman Prospero Pichay Jr. matapos ang eleksyon kahapon sa DECs Bulwagan ng Karunungan, Ortigas Center, Pasig City.

Pitong dating officials ang muling nahalal sa naganap na NCFP elections kung saan ay nanatili sa posisyon sina former Surigao Representative Pichay at Tagaytay Mayor Abraham “Bambol” Tolentino bilang secretary-general.

Nais din na palakasin pa ni Pichay at makasampa ang Pilipinas sa top 20 sa buong mundo.

Ang ibang re-elected officials ay sina Red Dumoc, Raul Molintas, Jesusito Legaspi, Edmundo Legaspi, at Gonzalo Mapili.

Bagong halal naman sina retired Major Atty. Rommel Tacorda, Cong. Neri Colmenares, Asec Tonisito Umali, Raymond Linsangan, Atty. Cliburn Obre, Louie Ramos, Atty. Ruel Canobas at Gov. Alfonso Umali.

Sa 15 nahalal ay nagkaisa sila na ilagay muli sa puwesto sina Pichay at Tolentino habang naging VP-Luzon si Canobas, VP-Visayas si Cong. Colmenares, VP-Mindanao si Orbe, Treasurer si Dumuk at Auditor si Judge Mapili.

Naging board of directors naman ang natirang mga opisyales.

Samantala, inaasahang mananatili naman si Casto Abundo bilang FIDE deligates habang pinag-iisipan pa ang possisyon para sa Executive Director na manggagaling sa naluklok na Presidente ng NCFP.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply