Trabaho ang gamot para makalimot sa mga problema…

NAGSAMA-SAMA muli ang mga anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy nu’ng Miyerkules sa harap ng kanyang puntod sa Heritage Park. Binigyan nila ng espeyal na paggunita si Dolphy sa ika-siyam na araw ng kamatayan nito.

After that, may kani-kanyang lakad na ulit ang mga anak ng yumaong beteranong actor/comedian. Si Eric Quizon ay tumulak patungong Greece at nagsibalik na sa Amerika ang ilan sa kanyang mga kapatid na roon na naka-base gaya nina Manny Boy Quizon (ama ni Boy2 Quizon) at Madonna (kapatid ni Eric).

Pinili naman ni ZsaZsa Padilla na manatili na lamang rito sa Pinas at bisitahin ng madalas ang puntod ni Dolphy. At the same time, gusto na lang din niya na magpaka-busy sa trabaho, same thing with her daughter na si Zia.

Hanggang ngayon ramdam na ramdam pa rin ng buong bayan ang pagkawala ng dakilang komedyante at sa pagka-miss ng maraming Pinoy sa kanya, sobrang tinutukan talaga ng mga manonood ang replay ng huling episode na ginawa ng Comedy King para sa Maalaala Mo Kaya nu’ng nakaraang Sabado pagkatapos ng Wansapanataym.

Batay sa survey ng Kantar Media noong Sabado (Hulyo 14), humataw ng 40% national TV ratings ang “Bisekleta” episode kung saan gumanap ang Hari ng Komedya bilang isang amang pilit na binuo ang pamilya matapos ang 40 taon na pagkakakulong.

Samantala, last Saturday, (Hulyo 21), life story naman ni Miss Universe 2010 4th runner-up na si Venus Raj ang ibinahagi ng MMK kung saan tampok rin ang kauna-unahang pagganap sa TV ng beauty queen turned-host. Naipakita roon ang mga pinagdaanang pagsubok ni Venus bago siya nakatungtong sa entablado ng Miss Universe.

Nakasama ni Venus sa MMK last Saturday sina Malou de Guzman, Gio Alvarez, Amy Nobleza, Perla Bautista, Simon Ibarra, at Marielle Pamintuan sa ilalim ng panulat ni Maan Dimaculangan-Fampulme at direksyon ni Nuel Crisostomo Naval.

-ooOoo-

NAKATULONG nang malaki sa hunk actor na si Daniel Matsunaga ang paglipat niya sa Kapatid network. Mabilis siyang naka-move on sa break-up nila ng ex-GF niyang si Heart Evangelista na nasa Kapuso network pa rin.

Sunud-sunod kasi agad ang malalaking proyekto ni Daniel sa TV5. Una na ang game show na Game ‘N Go na super nag-e-enjoy si Daniel dahil kakaiba raw sa mga rati niyang ginagawa. Plus, nagkaroon siya ng chance na makasama ang mga beteranong host na sina Joey de Leon, Arnell Ignacio at Edu Manzano with Gelli de Belen and Shalani Soledad every Sunday.

Hindi lang si Daniel ang neophyte sa Game ‘N Go na napapanood every Sunday lunchtime kundi pati na ang 20-year old model na si Monika Sta. Maria.

“I never knew Monika before Game ‘N Go but I treat her as my classmate. We’re on the same wavelength and new to this kind of thing (hosting),” sabi ni Daniel.

Malay natin, may magawang milagro si Monika kay Daniel para tuluyan nang mabura sa puso nito si Heart na kamakailan ay natsimis kay Sen. Chiz Escudero. Pero tanggap na rin naman ni Daniel at ‘di na niya iniisip ang posibilidad na magkabalikan pa sila.

“Siguro, we will not come back together again. Let’s see what’s gonna happen, ‘di ba? I still have a long, long way to go. And I already moved on, so yung expectations ko ngayon is that I’m really, really not thinking of love life right now. I really think about work and work and work,” diin nya.

Tama naman si Daniel. At ngayon nga, bukod sa Game ‘N Go, kasama rin siya sa kauna-unahang eco-pantasya ng TV5 na “Enchanted Garden” na magsisimula na sa July 30 at 6:30 pm.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply