Tracking system sa mga kaso ng preso, mabilis na

MAS magiging mabilis na ang tracking system sa mga kaso ng mga preso, haba ng sentensya at impormasyon kaugnay sa kaso ng mga ito.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Benigno Aquino III bilang tugon sa reklamong mabagal na monitoring sa mga preso sa iba’t ibang kulungan sa bansa.

Sinabi ng Punong Ehekutibo sa pagdiriwang ng ika-21 anibersaryo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Kampo Crame na natapos na nitong Hunyo ang training ng mga tauhan ng BJMP kaugnay sa National Inmates Monitoring System at ganap itong maipatutupad sa Oktubre.

Binigyang diin pa rin niya na solusyon ito sa mga presong nakakulong pa rin kahit tapos na ang sentensya at tutuldukan nito ang mano-manong paghagilap ng mga data.

Sa kabilang dako, tinuran naman ng Chief Executive na simula sa susunod na buwan, Agosto ay maaari nang makuha ng mga retiradong kawani ng BJMP ang kanilang pension sa ATM.

“Ginagawa natin ito dahil pananagutan ang batayang prinsipyo sa tuwid na daan. Tungkulin nating baguhin hindi lamang ang sistemang koreksyonal ng Pilipinas, kundi pati na rin ang pagtanaw ng ilang mamamayan sa kanilang kapwa Pilipinong nasa loob ng bilangguan. Hindi nagtatapos ang hustisya sa parusa; hindi maitutuwid ang kamalian sa pagyurak sa karapatan ng mga kapwa natin sa bilangguan. Bilang mga responsableng gabay ng mga bilanggo, gawin nating tunay na lunsaran ng pagbabagong-buhay ang ating sistemang koreksyonal,” ayon kay Pangulong Aquino .

Ayon sa Pangulo, inilunsad noong Pebrero ang computerization ng jail records sa buong bansa sa ilalim ng National Inmates Monitoring System.

Sa paraang ito, mas mabilis at mas epektibo na ang pag-track sa mga kaso, sa habang sentensya at impormasyon tungkol sa mga bilanggo. Sosolusyunan po nito ang kaso ng mga presong tapos na ang sentensya, nananatili pa rin sa kanilang selda, sabi ng Pangulo.

Tutuldukan nito ang mano-manong paghagilap ng datos at ang magulong sistema na kulang na lang ay isulat sa tissue paper ang pangalan ng mga bilanggo. Hunyo pa lang po, nakompleto na ang training seminars ng mga kawani ng BJMP ukol sa NIMS. Kaya naman tiwala tayong pagdating ng Oktubre, ganap nang sinasakatuparan ito,” sabi ng Pangulo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply