Traffic sector ng QC ang dapat mabendisyunan (2)

ITULOY natin ang talakayan ukol sa pangangailangan ng Quezon City Traffic Enforcement Unit na mabendisyunan at hindi lamang ang EDSA na lugar ng maraming aksidente sa lansangan.

Kamakailan lang, isang lalaki ang nakabangga ng tao at ikinulong sa nasabing traffic sector.

Kinabukasan, nang dumating ang asawa ng lalaki para sunduin ito ay hindi na ito inabutan
pa nang buhay.

At noong araw ng Biyernes naman ay dalawang sasakyan ang nagbanggaan at ikinulong pareho ang driver at habang nasa loob ng nasabing selda ay nag saksakan ang dalawang driver.

Ang nakapagtataka rito ay kung paano nagkaroon ng mga patalim ang mga nakakulong gayung SOP sa mga  ipapasok sa selda na kinakapkapan muna bago   tuluyang ipasok sa loob.

Puwera lang kung binigyan sila  ng patalim pareho  ni “Hudas”  at doon lang sila magkakaroon ng  armas sa loob o  dili kaya ay na-ging pabaya na naman dito ang mga pulis.

Gustong-gustong  magpa-bless ng kanilang opisina ang mga pulis dito ngunit hindi nila magawa dahil ang kanilang hepe na isang sarhento lang ay hindi Katoliko.

Posible rin umanong hindi pumayag na magpabendisyon ng opisina sina QCPD-Traffic Enforcement Unit Chief Col. Arnold Santiago at Director General Mario dela Vega.

Ang nakapagtataka lang dito ay kung bakit wala man lamang action  ang hepe ng QCPD Traffic enforcement Unit na si Col.  Santiago at ang  pamunuan ng QCPD dahil ba sa kaalyado nila sa relihiyon ang hepe ng traffic sector na ito?

At bakit nga ba isang Sarhento lang ang Sector Commander dito gayung napakaraming opisyal na paikot-ikot lang sa loob ng Kampo Karingal na akala mo ay nagsu-survey o kaya ay nag-bubutas ng kanilang mga upuan?

Unfair naman yata.

‘Yung ibang sektor, major ang mga nakaupo. Bakit ang sektor na ito ay isang Sarhento lang? Bakit nga po ba, Col. Santiago?

Siguro dahil sa mga pangya-yaring iyon, kung naiba lamang siguro ang hepe ng nasabing traffic sector at hindi kaanib sa relihiyon nitong si Santiago, malamang na nasibak na.

‘Di po ba, Col. Santiago?

Nagtatanong lang po.

Bukas po ang Lily’s files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento.

Mag-text lang po sa  0915568-3000 at 09087230036 o kaya ay mag-email lang sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply