Traffic sector ng QC ang dapat mabendIsyunan

USO na rin lang ang pagpapa-bless sa isang lugar na madalas na may nangyayaring hindi maganda katulad ng ginawa sa EDSA noong nakaraang linggo, bakit hindi ipa-bless ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD)  ang isang traffic sector  kung saan ay tatlong insidente ang nangyari noong nakalipas na linggo?

Sa nakarating na impormasyon sa Lily’s Files, sinasabing isang traffic sector daw dito sa lungsod Quezon ang minamalas dahil sa tatlong malalaking insidente na naganap sa loob lang ng isang linggo.

Ayon pa rin sa source, isang lalake ang nakasagasa  at nakapatay at habang nakakulong sa selda  ay nagpakamatay raw ito.

At biruan ng mga pulis na  nakatalaga sa traffic sector na ito ay posibleng naging dahilan dito  ang sobrang mahal daw na acceptance fee ng  abogado.

Walang naniniwala sa alegasyon na ito ng mga  pulis.

Maging ang mga kamag-anak at ilang pulis Quezon ay hindi naniniwala rito.

At kung anoman ang totoo ay bahala na ang mga imbestigador na tumuklas kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay  nito.

Makaraan daw ang dalawang araw, isang lalaki ang nakabangga  rin ng tao at ikinulong sa nasabi ring traffic sector.

Kinabukasan, nang dumating ang asawa para sunduin ang nakakulong ay hindi na ito inabutan pa nang buhay.

At noong araw ng Biyernes naman ay dalawang sasakyan ang nagbanggaan at ikinulong pareho ang driver.

Habang nasa loob n g  nasabing selda ay nag saksakan ang dalawang driver.

Ang nakapagtataka rito ay kung paanong nagkaroon ng mga patalim ang mga nakakulong.

Kasi Standard Operating Procedure sa mga  ipapasok sa mga bilangguan na kinakapkapan muna bago tuluyang ipasok sa loob.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply