Trak humampas sa kanal, 15 todas

TODAS sa malagim na aksidente ang 15 katao, habang walo naman ang nasaktan nang humampas sa kanal ang kanilang sinasakyang trak sa Biliran province, sa eastern Visayas nitong Sabado ng gabi, Hulyo 21.

Dead on the spot ang 13 sa mga biktima habang ang dalawa naman ay namatay sa ospital.

Kinilala ang mga namatay na sina Honaria Regir, Lolita at Julito Yagon, Renato Escosis, Marianito at Jeniffer Areglo, Anthony Jay Montiadora, Lito Cabalquinto, Juniel, Junita, Josephine, Jonalyn, Manilyn, at ang drayber ng trak na si Nilo na pawang Rosete ang apelyido at isa pang hindi nakilalang biktima.

Hindi naman nabanggit kung sino sa mga biktima ang mga namatay kaagad at ang dalawang namatay sa ospital.
Habang isinugod naman sa Biliran Provincial Hospital at sa Eastern Visayas Regional Medical Center sanhi ng tinamong kapansanan sa iba’t ibang parte ng katawan ang walo pang biktima na pawang hindi nakuha pa ang mga pangalan.

Sa ulat, alas 6:30 nitong Sabado ng gabi nang maganap ang aksidente sa national highway ng Biliran town.

Nabatid na bago ang insidente ay lulan sa isang Elf truck ang mga biktima at patungo sila sa lamay ng isang kamag-anak sa Caibiran.

Pero habang mabilis na lumiliko ang naturang trak na minamaneho ni Nilo sa isang sharp curve, nawalan ito ng preno at bumulusok sa isang mababaw na kanal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply