Trak tumagilid sa Antipolo

NAAKSIDENTE ang isang trak na may kargang 900 manok sa Brgy. Dela Paz, Sumulong Highway, Antipolo kaninang madaling araw, Hulyo 12.

Ayon sa  driver na si Rex Aguillon, tumagilid ang naturang trak dahil sa madulas ang daan bunsod ng ulan nang mawalan siya ng kontrol sa pagmamaneho pagsapit sa may kurbada.

Ayon pa kay Rex, sinubukan niyang magpreno ngunit umangat ang isang gulong ng trak at nang kasunod niyang pagpreno ay tumagilid na ito.

Hindi kinaya ng boom truck na maiangat ang tumagilid na trak ng manok at kinailangan pa ng tulong ng ilang residente para maangat ito.

Masuwerte namang hindi nagtamo ng anumang sugat ang driver at dalawa nitong pasahero.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply