Transport leaders pupulungin sa isyu ng kolorum

NAKATAKDANG pulungin ni LTO NCR Dir. Atty. Guadiz III ang malalaking transport leader sa Metro Manila upang talakayin ang patuloy na pamamasada ng mga colorum na sasakyan.

Ayon Kay Guadiz, nakarating sa kanyang kaalaman na mismong ang ilang lehitimong asosasyon ng mga pampasaherong sasakyan partikular ang mga jeepney ay may mga kolorum na namamasada at kinukunsinte umano ng mga namumuno dito.

Kasabay nito binalaan na din ni Guadiz ang mga lider ng asosasyon na linisin ang kanilang hanay at makipagtulungan sa ahensya sa kampanya laban sa mga sasakyang kolorum.

Sinabi ni Guadiz na may ilang lider ng asosasyon ang humihiling na hulihin ang mga kolorum na pumapasada sa kanilang ruta, subalit may mga myembro naman sila  na nangongolorum din.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply