Tren ng PNR tumirik sa biyahe

BAHAGYANG nagkaaberya ang tren ng Philippine National railways (PNR) na biyaheng Alabang dahilan upang ilipat ang mga pasahero kaninang umaga.

Ayon kay Paul de Quiros, spokesperson ng PNR, naramdaman na may technical problem simula pa lamamng sa may bahagi ng Sta.Mesa.

Pagsapit umano sa Pandacan Station, sa Maynila ay tuluyan nang hindi umandar angt tren.

Nagkaroon umano ng usok sa ilalim ng tren kaya pinababa at pinalipat sa kasunod na tren ang mga pasahero.

Sa ngayon ay kinukumpuni na ang naging sira ng tren upang muling makabiyahe at masakyan ng mga pasahero.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply